Tiklo ang isang estudyante na lalaki na tinaguriang Top 10 Regional Level Most Wanted Person sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Brgy. Dansuli, Isulan, Sultan Kudarat nito lamang Oktubre 4, 2024. Kinilala ang suspek na si alyas “Justin”, 19, estudyante, at residente ng naturang lugar.
Inaresto ang estudyante sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong New Anti-Carnapping Act (RA 10883) na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy ang pagtugis ng PNP sa mga taong may pananagutan sa batas upang masigurong ligtas at payapa ang komunidad.