Isa sa mga hindi mawawala sa putahe ng mga tao sa Cagayan de Oro City ay ang Sinuglaw na pinaghalo ng sinugba at kinilaw na makikita sa mga handaan o restaurant sa lungsod. Ang Sinuglaw ay ang pinaghalong inihaw na pork belly at tuna na nilalagyan ng suka at citrus juices.
Isa sa mga hindi pangkaraniwan dito ay ang hinahalong suwa at tabon-tabon na makikita lamang sa Mindanao na may pagkakahawig sa prutas na chico.
Sa mabagal na pagkakaluto ng raw fish o tuna sa suka ay nagbibigay ng mala-gatas na sabaw at paglalagay ng mga lamas upang mabalanse ang lasa. Makikita ang Sinuglaw sa halos lahat ng mga restaurant sa syudad ng Cagayan de Oro.
Ito ay isa sa mga paboritong appetizer o pampagana ng mga Kagay-anons dahil sa mga kakaibang sangkap.
Kung ang lutuin ay isang kaugalian o karakter ito maipapakita o mapapatikim sa pamamagitan ng kanilang delicacy na kilala bilang friendly at hospitable ang mga Kagay-anons.