Kalaboso ang isang lalaking 34 anyos sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa kasong Homicide sa Purok Abestilya Brgy, Mahayahay, Iligan City nito lamang Oktubre 4, 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Alem ” 34 anyos, walang trabaho at residente ng Brgy. Tipanoy, Iligan City.

Naaresto si alyas “Alem” sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Homicide na may rekomendadong piyansa na Php120,000.00.

Ang PNP ay patuloy sa pagtugis sa mga taong may atraso sa batas, upang maging ligtas, payapa at maunlad ang ating pamayanan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *