Patay ang isang Indigenous People matapos pinagbabaril nang hindi pa natutukoy na suspek sa Brgy. Rosary Heights 10, Cotabato City nito lamang ika-7 ng Oktubre 2024.

Kinilala ang biktima na si alyas “Jun”, na residente ng ng Darugao, North Upi, Maguindanao del Norte. Ayon sa imbestigasyon ng PNP, nakatayo ang biktima sa tapat ng Ministry of Indigenous People’s Affairs kasama ang kanyang asawa at anak at mag -aasikaso lamang ng Certificate for Tribal Marriage ang magpamilya para sa kanilang anak na buntis.

Nang pinagbabaril ito at tinamaan ang mukha ng biktima na sanhi ng kanyang agarang pagkamatay. Narekober sa crime scene ang limang basyo ng bala habang patuloy pang inaalam kung anong uri ng baril ang ginamit ng suspek sa pamamaril.

Sa ngayon, patuloy na pinaghahanap ng PNP ang suspek habang inaalam kung ano ang motibo ng pamamaril.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *