Isang Vice Regional Commander ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga otoridad sa Kabasalan, Zamboanga Sibugay nito lamang Huwebes, ika- 3 ng Oktubre 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Amboy”, 63 anyos at residente ng Brgy. Lacnapan, Kabasalan, Zamboanga Sibugay.
Nabatid na si alyas “Amboy” ay dating Company Commander ng Sub Regional Guerilla Unit na kalaunan ay naging Vice Regional Commander ng Western Mindanao Regional Party Committeee, (WMPRC). Kasabay pagsuko nito ay ang pagturn-over ng isang yunit ng Ctg 40mm HEDP; isang yunit ng Caliber 357 revolver na may serial no. na 119510; at may kasamang dalawang live ammunition.
Ang tuluyang pagkalusaw ng teroristang grupo na NPA ay indikasyon na epektibo ang aktibidad at proyekto ng gobyerno na tuldukan ang karahasan, terorismo, panlilinlang, at insurhensya na balakid sa ating inaasam na kapayapaan at kaunlaran sa ating inang bayan.