Matagumpay na idinaos ang Programang Klarex na Serbisyo sa Baryo (KSB) sa mga residente ng Barangay Bulua, Cagayan de Oro City nito lamang ika-5 ng Oktubre 2024.
Ang programa ay inisyatibo ni Mayor Klarex Uy, City Mayor ng Cagayan de Oro City, katuwang ang ibang opisyal ng lungsod at iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Sa naturang aktibidad ay nagsagawa ng kasalan ng bayan, libreng dental at medical check-up, libreng gamot, Legal na konsultasyon, food packs, at iba pa.
Mahigit 250 benepisyaro ang napasaya sa libreng serbisyo na hatid ng gobyerno.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng atensyon ang mga nangangailan at maipaabot ang tulong sa mamamayan.