Pinangunahan ni Mayor Josef Cagas ang Ceremonial Turn-over ng P150,000.00 cash assistance na maghahatid ng tulong pangkabuhayan sa 17 barangay sa Digos City nito lamang Oktubre 14, 2024.

Ang tulong pinansyal ay maaaring gamitin para sa mga inisyatibong makikinabang ang mga residente, tulad ng mga proyektong pang-imprastruktura, pangkabuhayan, o mga serbisyong pangkomunidad.

Inaasahan namang makakatanggap rin ng parehong halaga na cash assistance ang natitirang 9 na barangay sa Digos City.

Sa pamamagitan ng hakbang na ito, pinatibay ni Mayor Cagas ang kanyang commitment sa pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga mamamayan at ang pagsuporta sa pag-unlad ng mga barangay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *