Nagsagawa ng Livestock Dispersal Program ang LGU Cotabato sa Barangay Poblacion, Magpet, Cotabato nito lamang ika-16 ng Oktubre 2024.

Pinangunahan ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVet) ang naturang programa.

Nabiyayaan ng alagaing baka at kalabaw na may kabuoang halaga na Php917,760.00 ang 24 na benepisyaryo (farmers, senior citizens, 4Ps, Indigenous Peoples, at solo parents) mula sa mga bayan ng Magpet, Makilala, President Roxas, Arakan, at lungsod ng Kidapawan ng ikalawang distrito.

Layunin nito na tulungan ang mga magsasakang CotabateƱo na magkaroon ng karagdagang kita na makakatulong upang mapalago pa ang kanilang kabuhayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *