Nagsagawa ng Integrated Health Awareness ang Lokal na pamahalaan ng Cotabato sa Barangay Salunayan, Midsayap, Cotabato nito lamang ika-15 ng Oktubre 2024.
Nanguna ang Integrated Provincial Health Office (IPHO) na pinamamahalaan ni Dr. Eva C. Rabaya, katuwang ng IPHO ang Rural Health Unit ng bayan, barangay health workers, at barangay nutrition scholars (BNS).
Sa pagnanais na mapangalagaan ang kalusugan ng mga buntis at kanilang dinadalang sanggol, idinaos ng pamahalaang panlalawigan ng Cotabato ang “Integrated Health Awareness Program”.
Ang mga benepisyaryo ay binigyan ng buntis kits (150), adolescent kits (30), at libreng laboratory examination para sa “urine, complete blood count (CBC), HBSag o Hepatits B Blood Test, at maging HIV and syphilis tests (122).
Layunin nito ay magkaroon ng kamalayan ang tao ukol sa kanilang kalagayan, at ang pagtaguyod ng layuning “safe motherhood” ng gobyerno, at hinggil sa ilang medikal na kondisyon na lubhang mapangananib sa isang indibidwal lalo na sa mga buntis na itinuturing na “vulnerable sector” sa larangan ng kalusugan.