Nasakote ang isang delivery boy na tinaguriang Regional Most Wanted Person sa kasong Rape sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad sa mismong pamamahay ng suspek sa Barangay Dadiangas West, General Santos City nito lamang ika-16 ng Oktubre 2024.

Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Jun-jun”, 27 anyos, walang asawa, delivery boy at residente ng naturang lugar.

Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Rape na walang inirekomendang piyansa.

Ang PNP ay masigasig sa paghuli sa mga taong may atraso sa batas, siguraduhin  na mabibigyan ng hustisya ang naging biktima, mapanatiling ligtas at payapa ang komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *