Narekober ang tinatayang Php155,000 halaga ng puslit na yosi sa ikinasang checkpoint operation ng mga otoridad sa Purok-1, Bansarvil 1, Kapatagan, Lanao del Norte nito lamang Oktubre 15, 2024.
Ayon sa Lanao del Norte PNP, narekober ang mga puslit na yosi sa loob ng isang Maroon Toyota Innova na may plate number KAP 2343.
Tinatayang nasa 194 reams ng New Berlin brang ng sigarilyo ang nakuha ng pulisya.
Ang mga naturang sigarilyo ay mula sa Tukuran, Zamboanga del Sur at patungong Magsaysay, Lanao del Norte.
Patuloy ang PNP sa mahigpit na pagbabantay sa lahat ng entry at exit point upang harangan ang anumang uri ng iligal na aktibad at krimen sa ating pamayanan.