Timbog ang dalawang indibidwal sa pagbebenta ng iligal na armas sa ikinasang firearms buy-bust operation ng mga otoridad sa Barangay Tambo, Sultan Mastura, Maguindanao del Norte nito lamang ika-15 ng Oktubre 2024.
Kinilala ang mga naarestong suspek na sina alyas “Ismail” at alyas “Rivas” pawang residente ng naturang lugar.
Nabatid na ang dalawang suspek ay nakikipag-transaksyon sa isang poseur buyer at nakumpiska ang isang yunit ng cal. 5.56 rifle, isang yunit ng 30 rounder magazine, 33 piraso ng live ammunition, isang bandolier, at isang yunit ng cellphone.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong “Unlawful Sale of Firearms and Ammunition ng Republic Act 10591 o “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”.
Maigting ang kampanya ng PNP sa mga loose firearms para mapanatili ang kaausan at katahimikan sa ating bayan tungo sa pagkamit ng isang maunlad na bansa.