Naglunsad ng iba’t ibang learning modality ang Department of Education (DepEd) IX tulad ng ‘shifting’ ng mga klase at ‘alternative delivery mode’ upang masiguro ang sapat at nararapat na edukasyon para sa mga mag-aaral sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula nito lamang ika-15 ng Oktubre 2024.
Ayon kay DepEd IX Asst. Regional Director Dr. Gregorio Cyrus Elejoide, mayroong patuloy na alokasyon mula sa kanilang sentral na tanggapan para sa probisyon ng karagdagang silid-aralan sa rehiyon.
Hindi lahat ng paaralan ay agarang nabibigyan dahil sa limitasyon ng resources kung kaya’t nagpapatupad ang DepEd ng iba’t ibang istratehiya tulad na lamang ‘shifting’ ng klase para ma-accommodate ang dami ng mga estudyante.
Ipinatutupad din ang ‘alternative delivery mode’ kung may mga estudyante o grupo ng mga mag-aaral na hindi nakakapunta sa paaralan.
Lahat ng senaryo o sitwasyon na nararanasan ng mga kabataan ay pilit na binibigyang pansin at ginagawan ng mga paraan na matanggap.