Kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos mag-amok sa isang establisyemento sa bahagi ng Sinsuat Avenue, Brgy. RH7, Cotabato City nito lamang ika-16 ng Oktubre 2024.
Kinilala ang suspek na si alyas “Amer”, 36 anyos, residente ng naturang lugar.
Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag hinggil sa insidente at agad namang tinungo ng mga operatiba ng Cotabato City Police Station 2 ang lugar at naaktuhan ang suspek na nag-aamok.
Narekober ng pulisya ang isang improvised glass tube tooter na may recedue ng droga.
Nabatid na nag-ugat ang lahat sa selos na humantong sa break-up dahil sa panlalamig ng nobya nito sa kanilang relasyon.
Mahaharap ang suspek sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at Alarm Scandal.
Patuloy naman ang Cotabato City PNP na panatilihin ang kaayusan sa nasasakupan upang maiwasan ang anumang uri ng krimen.