Ang Seven Seas Waterpark at Resort ay isang popular na destinasyon sa Cagayan de Oro City.
Kilala ito bilang isa sa pinakamalaking waterpark sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa Barangay Barra, Opol, Misamis Oriental.
Ang waterpark na ito ay may iba’t ibang uri ng mga water attractions at rides na angkop para sa pamilya at mga kaibigan.
Ang waterpark na ito ay may water slides na may iba’t ibang thrill kabilang ang high-speed slides at mga twists and turns. Mayroon din itong wave pool na paboritong pasyalan sa loob ng resort kung saan pwedeng maranasan ang mga alon na parang nasa dagat. Kung gusto mo ring mag-relax, mayroon ding lazy river kung saan puwedeng magpa-anod sa tubig habang nakahiga sa inflatalable tubes.
Ang buong resort ay may tema ng mga pirata, kaya’t makikita rito ng mga decorative na mga elemento na may kaugnayan sa mga pirata at karagatan.
Pinakahuli naman ay ang lugar kung saan naglalaro ang mga bata at may mga angkop rin na water slides at water activities.
Ang Seven Seas Waterpark ay isang magandang lugar na pasyalan sa gustong makaranas ng tubig at iba’t ibang adventure sa loob ng isang araw o magbakasyon na galing pa sa mga malalayong lugar kasama ang mga kaibigan at mga mahal sa buhay.