Nasa 525 indibidwal ang nakiindak at nakisaya sa Zumba Activity sa Camp Vicente G Alagar, Lapasan, Cagayan de Oro City nito lamang, Hulyo 29, 2023.

Ang mga naturang kalahok ay mula sa regional offices, national support unit, provincial office, at non-uniformed personnel ng Police Regional Office 10.

Ang aktibidad ay may layunin na matulungan ang mga Leukemia Parents and Patients Organization sa Hilagang Mindanao.

Naisakatuparan ang programa sa suporta ng Police Regional Office 10 sa ilalim ng pamumuno ni Police Brigadier General Lawrence Baldan Coop, Regional Director.

Tumagal ng dalawang oras ang pag-indak at pagsayaw ng mga naturang grupo na nakakatulong upang maging fit and healthy ang pangangatawan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *