Umabot sa mahigit 300 residente ang naging benepisyaryo at natulungan sa isinagawang Medical Mission at Community Outreach Program sa Changco Villag Phase 2 Brgy. Bawing, General Santos City nito lamang ika-30 ng Hulyo 2023.
Naisakatuparan ang nasabing programa sa inisiyitibo ni GenSan Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao at FG Alberto ‘Bobby’ D Pacquiao katuwang ang 1st Pacman Partylist.
Taos-pusong pasasalamat naman ang tugon ng mga naging benepisyaryo dahil sa iba’t ibang serbisyong kanilang natanggap gaya ng feeding program, libreng medical check-up, pamamahagi ng pares ng tyinelas, gamot at mga bitamina.
Patuloy ang pamahalaan sa pagpapa-abot ng tulong sa ating mga kababayan na lubos na nangangailangan.