Arestado ang isang guro sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong RA 9262 sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad sa Barangay Tubod, Iligan City nito lamang ika-22 ng Oktubre 2024.
Kinilala ang guro na si alyas “Jerry” 50 anyos, at residente ng naturang lugar.
Nadakip ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong RA 9262 na may Criminal Case No. 24-29986 na may rekomendadong piyansang nagkakahalaga ng Php72,000.00.
Patuloy ang PNP sa pagsasagawa ng mga operasyon upang hulihin ang mga kriminal para mapanatiling ligtas at payapa ang nasasakupang komunidad.