Nasakote ang isang laborer na tinaguriang Top 8 Regional Most Wanted Person na may patong-patong na kaso sa isinagawang warrant of arrest ng mga otoridad sa Barangay Mabuhay, General Santos City nito lamang ika-23 ng Oktubre 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Janjan”, 20 anyos, walang asawa, laborer at residente ng nasabing barangay.

Inaresto ang suspek para sa kasong Two Counts of Statutory Rape na walang inirekomendang piyansa , Sexual Assault na may Php200,000.00 inirekomendang piyansa at Php180,000.00 naman para sa kasong Acts of Lasciviousness.

Patuloy ang PNP sa paglinis sa ating lipunan sa mga kriminal na sanhi ng iba’t ibang krimen na balakid sa ating kaunlaran.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *