Nasamsam mula sa isang tindero ang baril at mga bala sa ikinasang search warrant ng mga otoridad sa Purok 3, Bubong Road, Mother Barangay Tamontaka, Cotabato City bandang 6:30 ng gabi nito lamang ika-23 ng Oktubre 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Rakim” 45 anyos, isang vendor, residente ng naturang lugar.

Narekober ang isang unit M4 Carbine Cal. 5.56 mm na may serial number 9006015; apat na pirasong Magazine ng M16; isang Bandolier; isang sling bag; at 160 pirasong M16 live ammunition.

Masigasig ang PNP na panatilihing ang kaayusan at katahimikan sa ating bayan upang makamit ang kaunlaran na ating inaasam.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *