Matagumpay na nagtapos ang tatlong araw na Regional Capacity Building Forum for Investment Promotion Officer nito lamang Oktubre 24, 2024 na ginanap sa Crisbelle Crown Center sa Digos City.
Ang naturang forum ay inorganisa ng DavSur League of Local Economic Development and Investment Promotion Officers (LEDIPOs), sa pakikipagtulungan sa LEDIPO ng Pamahalaang Lungsod ng Digos kung saan ay 61 opisyal at kinatawan mula sa iba’t ibang LGU sa buong Davao Region ang dumalo.
Kabilang sa mga tagapagsalita sa unang araw ang DILG 11 Regional Director Abdullah V. Matalam, Cherryl Vicentino mula sa Board of Investments-Davao, Eden A. Santiago mula sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), Atty. Gerry Aguio mula sa National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at Engr. Cathy Mora O. Saquilabon mula sa Department of Environment and Natural Resources-Export Marketing Bureau (DENR-EMB).
Layunin ng pagtitipon na ito na pagyamanin ang kasanayan at kaalaman ng mga lokal na opisyal upang itaguyod ang pag-unlad sa kanilang mga munisipalidad.
Ito ay isang testamento ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno na maibigay ang pinakamahusay na serbisyo sa publiko.