Isinagawa ang Turn-over Ceremony ng Solar-Powered Street Lights at Water Reservoir Tub sa Sitio Bantawon, Davao Oriental nito lamang Oktubre 23, 2024.
Pinangunahan ang naturang aktibidad ng mga tauhan ng Davao Oriental Police Provincial Office at aktibong nakiisa ang mga lokal na lider kabilang na rito si Hon. Belshazzar Sobrecarey, Municipal Councilor at iba pa.
Ang inisyatibang ito ay bahagi ng Quick Impact Project ng Revitalized-Pulis sa Barangay Cluster 20 na naglalayong maghatid ng mga pangunahing pangangailangan lalo na sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDAs).
Sa kanyang talumpati, binigyang-diin naman ni Hon. Christine P. Bondoc, Tribal Chieftain CADT-01, ang mga pagsisikap ng R-PSB sa paghandog ng tunay na serbisyo sa mga GIDAs at lalo na sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa komunidad.