Isang supporter ng New People’s Army (NPA) ang sumuko sa mga otoridad sa Purok Quezon, Brgy. Ditay, Diplahan, Zamboanga Sibugay nito lamang ika- 26 ng Oktubre 2024.
Kinilala ang sumuko na si alyas “Rosang”, 52 anyos, at residente ng Brgy. Ditay Dipalahan, Zamboanga Sibugay.
Nabatid na ang sumuko ay supporter/koriyer ng NPA ng Regional Urban Committee,Western Mindanao Regional Party Committee (RUC WMRPC).
Patuloy ang paghina ng teroristamg grupo sa pagsisikap ng pamahalaan na tuldukan ang insurhensya at terorismo sa tulong ng PNP para makamit ang isang payapa at maunlad na bansa.