Gumawa ng kasaysayan ang 23-year-old Muslim student scientist na si Mahmooda Aziza Bhatti matapos masungkit ang prestihiyosong medalyang ginto sa Life Science Category sa idinaos na World Youth STEM Invention Innovation 2024 sa Kuala Lumpur, Malaysia.
Bukod dito, naiuwi rin niya ang apat na special awards dahil sa kanyang pag-i-introduce ng mga bagong ideas sa pagpapalaganap ng sustainable practices, at pagkakaloob ng mas ligtas na paraan para makontrol ang pagdami ng tick o garapata.
Kabilang sa kanyang mga awards ang Platinum Award (Best Project College Category), Semi Grand Award (Research Sponsorship), Best Innovation, and Best Video Presentation.
Nakuha niya rin ang Special Awards for Eco-Friendly Product Research sa Asia Pacific Conference for Young Scientists 2024, at isa siya sa honorable mention sa Asia Pacific Conference of Young Scientists.
Ang pagkapanalo ni Bhatti ay isang makabuluhang kwentong dapat kapulutan ng inspirasyon ng nga mag-aaral sa rehiyon ng BARMM lalo na sa mga estudyanteng may interes sa Science.
Tunay ngang ang mga kabataang Muslim ay kayang makipagsabayan sa pagiging analytical thinker at pagiging innovator hindi lamang sa bansa kundi pati na rin sa buong mundo.
Photo Courtesy: Mayor Arthur Robes