Nasabat ang tinatayang Php1,554,000.00 halaga ng puslit na yosi sa isinagawang anti-smuggling operation ng mga awtoridad sa Brgy. Nituan, Parang, Maguindanao del Norte nito lamang ika-3 ng Nobyembre 2024.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ben”, 28 anyos, residente ng Brgy. Tambara, Malabang, Lanao del Sur.

Nasabat ang 42 na kahon ng puslit na yosi na nasa loob ng puting multicab na tinabunan ng trapal na tinatayang nagkakahalaga ng Php1,554,000.00.

Patuloy ang PNP sa malalim na imbestigasyon upang managot sa batas ang nasa likod nito.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *