Inilunsad ang “School in a Boat Project” sa Barangay Poblacion, Tubod, Lanao del Norte nito lamang ika-3 ng Nobyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Ahmad Janjam B Jalad, Station Chief ng Misamis Oriental Maritime Police Station, na dinaluhan ng 20 kabataan.
Nagsagawa ng lecture sa Out School Youth sa pangunguna ni Police Corporal Asbi T Sappari, PSMU PNCO, na nagsilbing lecturer at tinuruan ang mga bata ng basic Mathematics bilang bahagi ng educational activity.
Ang ganitong mga kaganapan ay may mahalagang papel sa paghubog ng isang mas magandang kinabukasan para sa mga kabataan sa ating henerasyon at nagbibigay ng suportang pang-edukasyon sa mga out of school youth sa komunidad.