Nagsagawa ng Bloodletting Activity ang Local na Pamahalaan ng General Santos City na ginanap sa Veranza Mall, Lagao, General Santos City nito lamang ika-4 ng Nobyembre 2024.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ng Local na Pamahalaan ng GenSan katuwang ang General Santos City Police Station at iba pang ahensya ng pamahalaan na boluntaryong nakiisa sa aktibidad.
Humigi’t kumulang 150 na bag ng dugo ang nalikom sa aktibidad.
Layunin ng bloodletting activity na makalikom ng sapat na suplay ng dugo para sa mga ospital at mga pasyenteng nangangailangan, lalo na sa mga oras ng kagipitan o sa mga medikal na sitwasyong na nangangailangan ng agarang transfusion.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, natutulungan ang mga pasyente na may malubhang kondisyon, mga biktima ng aksidente, at mga nangangailangan ng operasyon.