Nagtipon-tipon ang mga Taguminyo sa City Hall upang sabay-sabay na ipagdiwang ang Children’s Festival 2024 nito lamang Nobyembre 4, 2024.
Ang festival ay hindi lamang isang selebrasyon kundi isang pagkakataon upang bigyang-diin ang mga karapatan at kapakanan ng mga bata.
Ang pagdiriwang ay nagsimula sa isang makulay at pagtatanghal ng awit mula sa Tagum City National High School Chorale. Ang performance ay nagbigay ng kasiyahan at nagpasimuno ng masiglang paligid para sa buong kaganapan.
Sunod na itinanghal ang isang makulay at nakakaaliw na “Lola’s Magic Kitchen” Reading Theater performance, na isinagawa ng mga preschool na estudyante mula sa Visayan Village 1 – Child Development Center (CDC).
Isang makapangyarihang mensahe naman ang ipinaabot ni Mayor Rey T. Uy, sa pagbubukas ng festival.
Bilang isang lider na may malasakit sa mga kabataan, ipinakita ni Mayor Uy ang buong suporta sa mga programang nakatuon sa kapakanan ng mga bata. Sa kanyang talumpati, inilahad niya ang State of the Children’s Report.
Dito, kanyang iprinisinta ang mga pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan na patuloy na tutukan ang kapakanan at mga karapatan ng lahat ng kabataang Tagumenyo.