Nakiisa ang mga mag-aaral mula sa 18 na Child Development Centers (CDC) sa Tagum sa isang makulay at masayang Reading Theater na ginanap sa Herminigildo Baloyo, MD Hall Theater nito lamang Nobyembre 5, 2024, bilang bahagi ng taunang Children’s Festival.
Suot ang mga makulay at malikhaing kostyum, ipinakita ng mga mag-aaral ang kanilang talento at husay sa pagganap ng iba’t ibang klase ng dula, mula sa mga kwentong pambata hanggang sa mga aral na may kaugnayan sa tamang asal at pagpapahalaga sa kapwa.
Ang bawat pagtatanghal ay puno ng saya at kasiyahan, na nagbigay aliw at saya sa mga manonood, pati na rin sa mga guro at magulang na sumuporta sa kanilang mga anak.
Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, mas pinatibay ang ugnayan ng komunidad, mga guro, at magulang sa paghubog ng isang maligaya at masaganang hinaharap para sa mga kabataan ng Tagum.