Idinaos ang Ceremonial Turn-over ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa apat na SLP associations mula sa barangay Lunzuran at Mampang sa Zamboanga City noong Nobyembre 4, 2024.

Ang dalawang asosasyon mula sa Lunzuran Food Business SLP Association at Tiangge de Lunzuran SLP Association na binubuo ng tig-30 kababaihang miyembro ay nakatanggap ng P575,000.00 at P500,000.00 o may kabuuang halaga na P1,075,000.00 bilang kanilang seed capital fund.

Ang Mampang CareAble SLP Association naman ay binubuo ng 25 Persons with Disability at nakatanggap ng P300,000.00 habang ang Angel Produkto de Mampang SLP Association na mayroong 30 myembro ay nakatanggap din ng P500,000.00 na seed capital fund.

Dumaan ang apat na asosasyon sa skills training ng Technical Education and Skills Development Authority o TESDA kung saan nabigyan ng mga certificate at inendorso sa Department of Science and Technology o DOST, na naglalayong matulungan na madagdagan ang kanilang kaalaman pagdating sa product development.

Ang aktibidad ay dinaluhan ng kinatawan ng SLP Regional Program, mga opisyal ng barangay at kinatawan ng TESDA, DOST at City Mayor’s Office ng Zamboanga.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *