Nagpa-abot ng tulong ang mga tauhan ng Police Regional Office 10, na ipapadala sa mga biktima ng Bagyong Kristine sa Police Regional Office 5, Camp Ola, Legazpi nito lamang Martes, Nobyembre 10, 2024.
Pinangunahan ni Police Brigadier General Jaysen C. De Guzman, Regional Director ng PRO 10, ang nasabing aktibidad.
Tulong-tulong sa pagkarga ng mga relief goods na dadalhin patungong Bicol Region ang mga Higalang Pulis.
Ang kabuuang halaga ng relief goods ay aabot sa Php425,826,00 bukod pa dito ang paunang tulong pinansyal na aabot sa Php200,000.00.
Si RD De Guzman ay nagpasalamat sa mga kapulisan, stakeholders at mamayan ng Northern Mindanao sa agarang tulong na pina-abot sa ating mga kababayan. Hinimok din nito na huwag magsawang tumulong, magbigay, magdamayan, at bayanihan sa oras ng kalamidad.