Ibinalandra ang iba’t ibang uri ng mais ng isang seed company na East West sa mga magsasaka ng Iligan City nito lamang Nobyembre 7, 2024.
Ang naturang kaganapan ay pinangunahan ni Mr. Jerry Lou Pamuna, kinatawan ng East West, katuwang si Ms. Mary Ann Beley, City Agriculturist.
Ayon kay Mr.Pamuna, ang kanilang vision ay mapabuti ang kabuhayan ng mga maliliit na magsasaka sa pamamagitan ng pagbibigay ng access sa mga de-kalidad na binhi para sa mga pananim. Gayundin , ang pagpapakilala ng teknolohiya na makakatulong sa mga magsasaka.
Ipinakita at natikman naman ang tatlong uri ng mais tulad ng Macho Dos, Lakan, at Morado.
Samantala, 25 magsasaka ng mais ang nagtapos , matapos sanayin ng City Agriculturist Office sa pagtatanim at pag-aalaga ng mais.
Nakatanggap din ng kalahating kilo ng sample na binhi mula sa East West.