Nagsagawa ng Livestock Dispersal Program ang Local Government Unit ng   Cotabato sa bayan ng Banisilan at Carmen, Cotabato nito lamang ika-7 ng Nobyembre 2024.

Pinangunahan ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVet) ang naturang programa.

Araw ng biyaya na maituturing ng 16 magsasaka mula sa bayan ng Banisilan at Carmen nang tanggapin ang tig-tatlong alagaing kambing (1 male buck at 2 female does) na may kabuuang halaga na P319,680.00.

Layunin nito na tulungan ang mga magsasakang Cotabateño na magkaroon ng karagdagang kita na makakatulong upang mapalago ang kanilang kabuhayan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *