Nagsagawa ng 32nd National Children’s Month ang Local Government Unit ng General Santos City sa Oval Gymnasium, General Santos City nito lamang ika-7 ng Nobyembre 2024.
Pinangunahan ni City Mayor Lorelie G Pacquiao, ang naturang programa katuwang ang tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 12.
Namahagi rin ang alkalde ng mga grocery packs sa mga magulang na dumalo sa kaganapan bilang tulong para sa mga pamilya at suporta ng lokal na pamahalaan sa kanilang pangangailangan.
Ang National Children’s Month ay isang taunang pagdiriwang na ginaganap sa buong buwan ng Nobyembre.
Nilalayon nitong isulong at protektahan ang mga karapatan ng mga bata, itaas ang kamalayan tungkol sa mga isyu ng mga bata, at ipagdiwang ang kanilang kahalagahan sa lipunan.
Patuloy naman ang pamahalaan sa pagbibigay ng mga programa at proyekto na mapakikinabangan ng mga bata at pamilya, lalo na sa mga aspeto ng edukasyon, kalusugan, at seguridad.