Handog ng Barangay Local Government Unit ng Mother Tamontaka ang isang bagong Mini Dump Truck sa mga residente ng MB Tamontaka, Cotabato City noong ika-5 ng Nobyembre 2024.

Pinagunahan ni Chairman Mohammad Ali Jawawi ‘Datu Wawi’ Sema, ang naturang aktibidad katuwang ang iba pang opisyal ng naturang lugar.

Ang naturang Truck ay nagkakahalaga ng mahigit ₱2M kung saan pinondohan ng tanggapan ng Solid Waste Management ng barangay upang magamit sa pagkolekta ng mga basura. Binigyang diin ni Chairman Mohammad na ito na ang resulta sa buwis na binabayaran ng upang mapanatiling malinis ang buong sulok ng barangay.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *