Umabot sa Php3 milyon ang ipinamigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Oriental sa 600 na mga college students sa ilalim ng programang “Ang Asosasyon ng Karapat-dapat Purihin” o “Ang ESKAPU,” na isa sa mga pangunahing programa ni Gov. NiƱo Uy.

Ang mga benepisyaryo mula sa iba’t ibang pampubliko at pribadong kolehiyo sa buong probinsya ng Davao Oriental ay nakatanggap ng tig-P5,000.00 bawat isa.

Personal namang pinangunahan ni Governor Uy, ang aktibidad upang ipakita ang kanyang malaking pag-asa na ang programa ay magdudulot ng positibong epekto sa edukasyon ng mga kabataan sa probinsya.

Ang inisyatibang ito ay bahagi ng pagsisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na masuportahan ang sektor ng edukasyon at mabigyan ng tulong ang kabataan ng Davao Oriental.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *