Matagumpay na naisagawa ang monitoring at evaluation ang mga tauhan ng Planning Monitoring and Evaluation Division (PMED) ng Department of Agriculture Regional Office-9 (DA-9) sa Layer Chicken-Egg Production Project ng Bolingan Farmers Association sa Barangay Bolingan sa bayan ng Talusan sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay nito lamang ika-6 ng Nobyembre 2024.

Ang naturang proyekto ay ipinatupad ng DA-9 sa ilalim ng Special Area for Agricultural Development o SAAD Program Phase 2 ng Kagawaran ng Agrikultura.

Lumitaw sa pagsusuri na naging maayos ang pangangasiwa ng proyekto sa pamamagitan ng mabuting pag-aalaga ng mga manok, at nagkaroon ng efficient produksyon ng itlog.

Inirekomenda ng mga kinatawan ng PMED at DA-SAAD sa mga miyembro ng asosasyon ang maayos na pag-aalaga ng mga manok at pagbibigay ng tamang pagkain upang lalago’t tataas pa ang produksyon ng itlog.

Ang egg production rate ay umabot na sa 92.67%, kung saan, ito’y nagpapakita ng mabisa at mahusay na pangangasiwa ng asosasyon. Sa kasalukuyan, nagpapatuloy pa rin ang monitoring activity ng PMED sa mga SAAD projects sa ibang mga munisipyo sa Zamboanga Sibugay upang matiyak ang tamang implementasyon ng proyekto.

Layon ng SAAD program na maibsan ang poverty incidence sa mga kanayunan, at mapasigla ang local food production sa pamamagitan ng pagbibigay ng livelihood assistance sa mga magsasaka’t mangingisda.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *