Inilunsad ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga ang 911 Local Call Center sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) Complex sa Brgy. Zone IV noong Nobyembre 9,2024.
Pinamunuan ni Zamboanga City Mayor John Dalipe, ang launching ng nasabing programa kung saan binigyang diin nito na sa pamamagitan ng 911 ay isang tawag na lamang ang mga residente sa paghingi ng tulong mula sa mga kinauukulang emergency service provider.
Ayon kay Dalipe, isang malaking hakbang ang inilunsad na inisyatiba sa pagpapabuti ng seguridad at kaligtasan ng publiko at pagiging handa sa anumang emergency.
Hinihimok naman ng alkalde sa mga residente na i-familiarize ang panibagong 911 system at maging responsable sa paggamit ng nasabing serbisyo. Ang “9-1-1” ay itinalaga bilang “Universal Emergency Number” kung saan binibigyan nito ang publiko ng mabilis at madaling access sa Public Safety Answering Point (PSAP).
Kinokonekta ng 911 ang mga tatawag sa nasabing numero sa PSAP dispatcher na naka-base sa CDRRMO at kanilang inuugnay naman ito sa mga naaangkop na emergency services sa lungsod.