Matagumpay na isinagawa ang Installation ng 200KW On-Grid Solar Energy System sa Provincial Capitol Building, Lakas, Poblacion, Mambajao, Camiguin nito lamang Nobyembre 9, 2024.

Ang naturang proyekto ay gawa ng Greenergy Development Corporation at inisyatibo ng pamahalaang panlalawigan ng Camiguin.

Inaasahan ng probinsya na makakatipid ng hindi bababa sa P3.4 milyon kada taon sa singil ng kuryente dahil sa Solar Energy System.

Higit sa lahat, maiiwasan din ang 5,030 metric tons ng carbon dioxide emissions kada taon, na naglalagay sa lalawigan bilang nangunguna sa paggamit ng renewable energy sa bansa.

Ang Solar Energy Project ay isang malaking hakbang upang matugunan ang pangangailangan ng kuryente ng probinsya ng Camiguin, sa pangmatagalang panahon makakatulong din ito sa pagpapabuti ng kalikasan at ekonomiya.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *