Kalaboso ang isang Top 2 Most Wanted Person Municipal Level sa kasong Qualified Rape sa ikinasang operasyon ng mga otoridad sa Purok 2 Brgy. Sangali, Zamboanga City nito lamang ika-6 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Sal”, 52 anyos, lalaki at residente ng Purok 3 Brgy. Sangali, Zamboanga City.
Ang suspek ay inaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kaayusan at katahimikan ng pamayanan tungo sa pagkamit ng kaunlaran.