Patay ang isang lalaking pinagkamalang isang informant matapos pagbabarilin ng hindi pa tukoy na mga suspek pasado 11:00 ng umaga nito lamang ika-13 ng Nobyembre 2024 sa Crossing Pagatin, Datu Salibo, Maguindanao del Sur.

Kinilala ang biktima na si Benjamin Galdonez, 37-anyos, residente ng Quezon City at pansamantalang naninirahan sa Tacurong City.

Ayon sa imbestigasyon ng mga otoridad, naglalakad ang biktima habang naglalako ng kanyang mga panindang lagare at iba pang tools nang biglang barilin ng mga suspek at tinamaan ito sa kaniyang ulo sanhi ng kanyang pagkasawi.

Dagdag pa ng PNP, posibleng napagkamalan itong asset kaya binaril ang biktima. Hindi tumitigil ang PNP sa pagsagawa ng imbestigasyon upang mahuli ang mga suspek sa likod ng naturang krimen.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *