Arestado ang isang Top 1 Most Wanted Person Municipal Level sa kasong Rape sa isinagawang operasyon ng mga otoridad sa Brgy. Luuk Poblacion, Tungkil, Sulu nito lamang ika-11 ng Nobyembre 2024.
Kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Jarne”, 38 anyos, lalaki at residente ng naturang lugar.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong Rape na may inirekomendang piyansa na nagkakahalaga ng Php120,000.00.
Patuloy ang PNP sa pagsiguro ng kaayusan at kaligtasan ng publiko tungo sa pagkamit ng isang maunlad na bansa.