Umabot sa 900 na mga narra seedlings ang naitanim ng mahigit 300 mga partisipante ng tree planting activity sa bayan ng Leon B. Potigo sa lalawigan ng Zamboanga del Norte sa pagdiriwang ng National Day Charity nito lamang ika-13 ng Nobyembre 2024.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Community Environment and Natural Resources Office o CENRO Liloy, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Leon Postigo, at ng Bayside Multipurpose Cooperative.
Ang aktibidad ay linahukan ng 320 mga partisipante mula sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC), mga estudyante ng Bacungan National High School, at mga opisyal ng Barangay Bogabongan.
Layon ng aktibidad na maitaguyod ang environmental awareness at reforestation, mapangalagaan ang kapaligiran.