Bilang bahagi ng selebrasyon ng nalapit na Parochial Fiesta sa Tagum City, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Tagum ang “Humba Challenge: Inter-Barangay Category” noong ika-14 ng Nobyembre, 2024.
Ang Humba, isang tradisyonal na putahe ng mga Bisaya/Cebuano, na karaniwang inihahain sa mga piyesta at espesyal na okasyon, ay tinangkilik ng marami dahil sa malasa at matamis na kombinasyon ng baboy, toyo, asukal, at mga pampalasa. Kilala ito bilang isang paboritong pagkain sa mga selebrasyon.
Ang kompetisyong ito ay nagbigay daan sa mga lokal na residente at mga barangay na ipakita ang kanilang kasanayan sa pagluluto at ang kanilang pagmamahal sa kanilang mga lokal na pagkain.