Nagsagawa ng Turn-over and Blessing Ceremony para sa bagong proyekto ng Local Government Unit ng General Santos sa Barangay Labangal, General Santos City nito lamang ika-15 ng Nobyembre 2024.

Pinangunahan ni City Mayor Lorelie Geronimo Pacquiao, ang blessing at turnover ceremony para sa mga bagong proyekto sa barangay, kasama ng alkalde sa seremonya sina Punong Barangay/LnB President, Councilor Bobby Pacquiao at Barangay Kagawad, Hon. Graziel Pacquiao.

Kabilang sa mga proyekto ay ang pagpapaayos ng kanilang Barangay Gymnasium, na may halagang P3 milyon, at mga bagong kagamitan tulad ng isang dump truck at dalawang motorsiklo na naisakatuparan gamit ang pondo ng barangay.

Bukod dito, ipinagkaloob din ang mga donated projects, kabilang ang dalawang mini dump trucks mula sa Bobslor Pacquiao Foundation, isang composting facility mula sa Department of Agriculture (DA), at isang Chariot Motorcycle mula sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO).

Ang mga proyektong ito ay hindi lamang patunay ng matagumpay na pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga pribadong sektor, at mga ahensya ng gobyerno, kundi isang konkretong hakbang patungo sa isang mas maunlad at mas matatag na komunidad na handa sa anumang hamon ng kinabukasan.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *