Handog ni Gobernador NiƱo Uy, ang paghahatid ng mga serbisyong medikal para sa mga residente ng bayan ng Banaybanay sa pamamagitan ng Aksyon Panglawas Medical Mission nito lamang ika-18 ng Nobyembre, 2024.

Unang araw pa lamang ay mahigit sa 1,000 residente ang naging benepisyaryo sa programa. Isinagawa ito sa walong barangay na kinabibilangan ng Caganganan, Rang-ay, Mogbongcogon, Calubihan, Cabangclan, San Vicente, Panikian, at Mahayag.

Aktibo namang nakiisa rito ang mga tauhan ng Davao Oriental Police Provincial Office na hindi lamang namahagi ng gamot at bitamina kundi katuwang ang Philippine Army, ay tiniyak rin ang seguridad ng buong aktibidad.

Ang Aksyon Panglawas Medical Mission ay isang pagsusumikap na pinagtibay at pinalakas pa ni Governor Uy, matapos itong simulan ni dating Governor Corazon Malanyaon.

Layunin nito na matulungan ang lahat ng 183 barangay sa Davao Oriental sa pamamagitan ng mga libreng serbisyo tulad ng konsultasyon para sa mga sakit, pagpapagamot ng ngipin, pamamahagi ng mga tamang gamot at bitamina, at iba pang mga hakbang para sa pag-iwas sa sakit.

Sa talumpati naman ni Gobernador Uy, muli niyang binigyan-diin na ang kalusugan ang pangunahing prayoridad ng probinsya.

Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng malalim na pag-unawa ng Pamahalaang Panlalawigan sa kahalagahan ng kalusugan sa pag-unlad ng isang komunidad.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *