Bilang bahagi ng pagpapalawig ng suporta para sa mga solo parents sa lungsod, inilunsad ng Pamahalaang Lungsod ng Davao, sa pamamagitan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), ang pagbibigay ng cash subsidy sa mga kwalipikadong solo parents simula nito lamang Lunes, Nobyembre 18, 2024.

Ang aktibidad na ito ay alinsunod sa Executive Order Blg. 25, Series of 2024 o The Implementing Rules and Regulations of the Solo Parent Ordinance na nagsasaad na ang mga solo parent ay makakatanggap ng buwanang cash subsidy na PhP1,000. Sa unang batch ng pamamahagi, nakatanggap ng subsidy ang kabuuang 258 solo parents mula sa City Poblacion B.

Ang pagbibigay ng cash subsidy ay isang konkretong hakbang ng Pamahalaang Lungsod ng Davao upang isulong ang kapakanan ng mga solo parents, upang matulungan s matugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga anak at ang kanilang mga sariling gastusin.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *