Sa patuloy na pagpapakita ng kasipagan, suporta, at dedikasyon sa paghahatid ng mga kinakailangang pangunahing serbisyo ng gobyerno sa bawat mamayan ng Davao Oriental, ang Pamahalaang Panlalawigan ng Davao Oriental ay muling nagsagawa ng Bayanihan Caravan nito lamang ika-20 ng Nobyembre, 2024.
Libu-libong residente mula sa Barangay Caatihan, San Jose at Simulao sa bayan ng Boston ang nakinabang sa programang ito.
Iba’t ibang intervention, livelihood assistance at agricultural support mula sa Bureau of Fish and Aquatic Resources (BFAR), Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Nakiisa rin ang iba pang mga tanggapan ng lalawigan at mga pambansang ahensya ng gobyerno gaya ng Provincial Legal Office at Public Attorney’s Office, gayundin ang DILG, LTO, PhilHealth at iba pa.
Dagdag pa, nagbigay din ng libreng gupit mula sa Davao Oriental Police Provincial Office na katuwang ang kasundaluhan na nagsagawa ng area security upang matiyak ang maayos at ligtas na pagtatapos ng naturang programa.