Nagsagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Lungsod ng Panabo sa pamamagitan ng City Information Office ng isang Technical Writing and Journalism Seminar para sa mga empleyado ng CIO, CAGRO, at PESO, pati na rin ang mga piling estudyante mula sa UM Panabo College nito lamang Nobyembre 19, 2024.
Sa unang bahagi, tinalakay sa seminar ang iba’t ibang aspeto ng pampublikong impormasyon sa paghahatid ng mga serbisyo sa mga programang pang-gobyerno at ang paggawa ng mga impormasyong may kaugnayan sa media production.
Nagsilbing resource speaker naman rito si Gng. Cristina Alivio, Editor-in-Chief ng SunStar Davao.
Layunin ng aktibidad na magbigay ng karagdagang kaalaman at kasanayan sa mga kalahok tungkol sa tamang pamamaraan at estratehiya sa pagsulat ng balita upang mapabuti ang kalidad ng kanilang mga ulat at komunikasyon.
Sa pamamagitan ng seminar, nais nitong matutunan ng mga partisipante kung paano magsulat ng mga balita nang tumpak, malinaw, at epektibo, na makatutulong sa pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa publiko.