Bilang bahagi ng Mindanao International Floriculture Congress 2024, nagsagawa ng Ultimate Bonsai Competition ang Pamahalaang Lungsod ng Tagum sa J.V. Ayala Avenue nito lamang ika-20 ng Nobyembre, 2024.

Umabot sa 143 na bonsai artists mula sa lungsod ng Tagum at iba’t ibang bahagi ng Mindanao ang nakilahok sa nasabing kompetisyon.

Ang mga kalahok ay nagdala ng kanilang mga bonsai na sumasalamin sa kanilang kasanayan, dedikasyon, at pag-aalaga sa sining na ito.

Ang mga hurado sa patimpalak, ay mga kinatawan mula sa Bonsai and Suiseki Alliance of the Philippines Inc. (BSAPI) na nagsilbing eksperto na nagbigay ng masusing pagsusuri sa bawat kalahok.

Ang patimpalak na ito ay naglalayong itaguyod ang sining ng bonsai at magbigay ng pagkakataon sa mga bonsai artists na ipakita ang kanilang mga natatanging likha.

Dumaan sa mahigpit na proseso ng seleksyon at pagsusuri, kung saan ang mga kalahok ay pinili batay sa kalidad, disenyo, at pangangalaga sa kanilang mga bonsai.

By Shaider

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *